If I Could See You Again..

alone

“Sama ka sa Batangas?”

“Ikaw?”

“Oo..”

Silence..

Tumayo ako at nagbuntong-hininga..

“Sige, sasama na din ako..”

“Talaga? :D tabi tayo sa bus ahh?”

“Sige..sige..”

“Uwi na kaya tayo? uulan na oh..”

“Tara na..”

Naglakad kami sa ilalim ng makulimlim na langit.. mabuti nalang at nakarating kami sa mga bahay namin na hindi pa umuulan..

I’m Clae Leuterio.. Yung kasama ko kanina yun ung bestfriend ko – si Syd.. Matagal-tagal na rin kaming magkaibigan.. Siguro 3 years na rin. Nung una palang kaming magkita nung 2nd year High School kami click kami agad.. Seatmates din kami..

Kahit nung mga years na hindi kami magkaklase, meron parin kaming communication.. Hanggang sa maging family friend na namin xa.. He’s always welcome sa bahay namin..

Every moment na magkasama kami, nagsimula akong makaramdam ng mas espesyal pa para sa kanya. Iniiwan ko na yung mga kaibigan ko para lang makasama sya, Nagsisimula nang mapansin ng mga kaklase ko ang ibang atensyon na ibinibigay ko kay Syd..

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung mahal ko ba sya.. May mga times na “HINDI” ang sagot ko..

pero ginugulo naman ako ng isip ko, kung mahal mo naman ang isang tao hindi ka magda-dalawang isip diba?..

3 days nalang at pupunta na kami sa isang outing on Batangas..

Ano bang isusuot ko?
Anong mga dadalhin ko?

Kinabukasan.. nagkita ulit kami ni Syd na school corridor..

“Handa na mga gamit mo?” Nagulat ako sa kanya.. ewan ko kung bakit.

“O-Oo.. ikaw?”

“Ayos na.. excited na nga ako ee..” Nakangiti syang umupo sa gilid ko, tinitigan ko ang muka nya..

Mahal ko ba talaga to?
O baka dahil araw-araw ko lang syang kasama?

Ngumiti sya sakin..

Nabigla ako.
My Heart started to beat fast..

Tumayo ako at umalis sa tabi nya..

“Huy.. teka, san ka pupunta?”

Hindi na ako sumagot..

Pumunta ako sa likod ng school at tumayo sa pinutol na puno..

Ngayon.. tinatanong ko ang sarili ko..

Mahal mo ba ang Syd na yon?

Huminga ako ng malalim at nag-isip pa..
Maya-maya dumilat na ako..

“Oo.. mahal ko..”

yan lang ang nasabi ko sa sarili ko..
Bakit pa ako magsisinungaling?

_________________________________________

Paalis na kami papuntang Batangas..

Ayos na lahat ng upuan.. at syempre..

Magkatabi kami ni Syd..

Tahimik lang ako habang nasa biyahe.. hindi naman sya masyadong nagtatanong kung bakit.

Pagbaba namin sa Batangas, tinawag nya ako..

“Clae..”

Lumingon ako..

“Hmm?”

“Bakit ka tahimik?”

“Wala bakit?”

“May problema?”

Pinilit kong ngumiti..

“Wala nga.. tara na..”

Pumasok na kami sa loob ng tutuluyan namin.. Pero tahimik parin ako..

Pag sinabi ko kaya na mahal ko sya anu kayang mangyayari?
Baka iwasan na nya ako.. siguradong pagsisisihan ko yun.
O baka naman may mahal na syang iba..
baka isipin nya na nagbibiro lang ako.. at tawanan lang nya yung narararmdaman ko..

Inayos na namin ang mga gamit namin.. Pagkatapos non natulog ako..

Nagising ako na ako lang ang mag-isa sa kwarto.. sumilip ako at nakita kong gabi na..

Lumabas ako at nakita ko si Syd at yung mga kasama ko na nasa dagat, swimming.

“Clae!” sigaw ni Syd..

Ngumiti lang ako.. Lumapit naman sya.

“Parang ang weird mo ngayon..” sabi nya sakin.

“Talaga?”

“Oo kaya! may problema ba?”

Tumahimik lang ako..

“Meron ka ngang problema noh?”

Tahimik parin ako..

“Sabihin mo kaya sakin..”

Umupo sya sa buhangin akt hinila din ako para umupo..

Sasabihin ko nga ba?

“Ano na? Bilis.. baka naman makatulong ako..”

Buo na ang loob ko.. sasabihin ko nalang.

“Kasi Syd..”

“Uh ano? sige kahit ano..”

“Yung ano ehh..”

“Ano.?”

Tinuro ko ang puso ko..

“Uh? anong meron jan?”

“Mahal ka nito..” tinuro ko ulit ang puso ko..

Tumahimik lang sya at tumingin sa malayo..

Napayuko lang ako, wrong move yata nagawa ko.. grr!

“Talaga? mahal moko?”

Hindi ako sumagot..

Umalis sya at iniwan akong mag-isa sa buhanginan..

Tsk! bwisit! sana pala di ko nalang sinabi!..

Pag-uwi namin galing Batangas, kami parin ang magkatabi sa bus pero di kami nag-uusap.. tuwing napapadikit ako sa kanya, para naman akong naku-kuryente.. :|

Ilang araw din kaming nag-iiwasan sa school.. parang di kami nagkakilala, parang di kami magkaibigan..

Pero isang araw,

binati nya ako..

“Hi Clae..”

Ngumiti lang ako..

“How’r you?”

“Ayos lang.. ikaw?”

Ngumiti lang din sya at pinaupo ako sa tabi nya..

Syempre as usual, kahit magkatabi kami.. hindi kami nag-uusap.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko..

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya..

Tumingin sya sakin..

“Mahal din kaya kita..”

Niyakap nya ako.. pero di parin ako kumikibo.
Parang napipilitan lang naman sya.. sa tingin ko.. :D

pero masaya ako.. masaya ako kasi magkatulad kami ng nararamdaman.

Nung mga unang buwan namin.. masasabi kong masaya kami.. 5 months yata ang tingin ko nun.. sa loob ng limang buwan, naging smooth ang takbo ng relationship namin..

pero pagtapos nun..

wala na..

sa mga sumunod naming monthsary, hindi na nya ako binabati..
Hindi na nya ako sinasabayang umuwi..
parati syang busy..

matagal din akong nagtitiis..

sa tuwing magkasama naman kami, hindi sya nagsasalita..
Parang mas gusto ko pa yung samahan namin nung magkaibigan palang kami.. :(

at nagsimula syang makihalubilo sa ibang babae.. ayos lang naman sakin, pero yung iwanan nya na ako para dun sa mga babae.. yun ang ikinasasama ng loob ko.

at sa tuwing sinasabi ko na mahal ko sya..

Hindi sya sumasagot..

Dumating ang birthday ko. Lahat ng mga kaibigan ako nasa bahay namin, pati mga kamag-anak.. hinahanap sya ng mga parents ko pero wala akong Syd na maiharap sa kanila..

Natapos na’t lahat ang party pero wala parin sya..

Kahit birthday ko, sobra ang lungkot na nararamdaman ko..

Bakit wala sya?
Sya pa naman ang pinaka-gusto kong makita ngayon..

11:00 pm..

Gising pa ako.. at nakadapa sa kama ko..
Pinipilit kong isipin na baka naman may valid reason sya kung bakit hindi sya nakapunta kanina..

Biglang may nagtxt sakin.. si SYD!

“Labas ka muna ng bahay nyo, may bibigay ako sayo..” sabi nya sakin sa txt..

Tuwang-tuwa akong lumabas ng bahay!

Nakangiti akong humarap sa kanya.. akala ko nakalimutan nya na yung Birthday ko ehh!

Inabot nya sakin ang isang stuffed toy..

“Sorry kung hindi ako nakapunta ahh? eto na stuffed toy mo..”

Nakangiti kong kinuha ang stuffed toy..

“I Love you..” sinabi ko sa kanya..

Hindi sya sumagot.
Tumingin lang sya sakin at nagsimula nang maglakad palayo..

Sumigaw ako..

“Bakit hindi mo masabing mahal mo rin ako??!”

pero hindi man lang sya lumingon.. dire-diretso parin sya sa paglalakad.

Naiwan akong umiiyak sa gitna nang daan habang tinitingnan ko sya maglakad papalayo..

Sa school.. sa tuwing magkikita kami, iniiwasan nya ako.. at iniiwasan ko rin sya..

Hindi ko parin maisip kung pano nangyari sakin ang ganito.. galit ba sya sakin?
sana man lang sinabi nya muna diba?

Araw-araw syang pumupunta sa bahay.. nag-iiwan sya ng stuffed toy.
Pero sinasakto nya na wala ako don..

Napuno na ng stuffed toy ang kwarto ko..

Bakit pa nya to ginagawa? di ba hindi nya ako mahal?!

dalawang buwan kaming nag-iiwasan.. galit na nga yata sya sakin..

Ako naman.. nasasaktan.

Araw-araw kong hinihintay yung moment na sabihin nya na mahal nya din ako.. pero mukang hindi na nga yata mangyayari yun..

Isang Hapon, may natanggap akong txt galing kay Syd..

“Labas ka..” sabi nya sakin..

Imbes na tuwa, galit ang naramdaman ko..

Mabilis akong lumabas at nakita ko sya sa kanto namin..

may dala-dala syang malaking stuffed toy na kulay pink.
Mas malaki yon kesa sa mga ibang stuffed toy na binigay nya sakin..

galit na galit akong lumapit sa kanya at ibinato sa Hi-way ang stuffed toy na hawak nya..

“Bakit hindi mo masabing mahal mo ako?! sana hindi mo na pinaabot sa ganito!”

He sincerely looked at my eyes..

Yumuko sya at nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata nya..

Naglakad sya para kunin ang stuffed toy sa Hi-way..

Pero isang iglap, may dumaan na isang van at nasagasaan si Syd..

Malayo ang tinapunan nya, at nakita ko lahat..

Halos madurog si Syd.. Dead-on-the-spot.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagkakaguluhan ang bangkay ni Syd..

Lumapit lang ako at kinuha ang stuffed toy..

3 araw lang ang burol nya..

Hindi parin ako makapaniwala na wala na si Syd..

Wala na si Syd.. at ako pa ang nakakita kung pano sya namatay.

2 araw pagtapos ng libing nya.. pinapanood ko ang ulan sa bintana ng kwarto ko.

Si Syd parin ang iniisip ko..

Tinalunan ko ang kama ko ng biglang mahulog sa shelf ang isa sa mga stuffed toy na binigay ni Syd sakin..

Tinitigan ko ito.. at bumangon ulit ako sa kama.

Binuksan ko ang electric fan at umupo ulit sa kama ng biglang..

“I Love you..”

Lumingon ako kung sino yung nagsalita..

Napansin ko na naupuan ko pala yung stuffed toy..
Nanginginig kong kinuha ang laruan at pinisil ang tiyan nito..

“I Love you.. i Love you..”

paulit-ulit na sinabi ng stuffed toy..

nagsimulang bumuhos ang luha sa mga mata ko..

kinuha ko lahat ng stuffed toy na binigay nya at isa-isang pinisil ito sa tiyan..

“I Love you.. I Love you..”

lahat ng stuffed toys iisa lang ang sinabi..

Hinatak ko ang stuffed toy na binigay nya sakin bago sya mamatay..
may mga talsik pa ito ng dugo ni Syd..

Pinisil ko ito sa tiyan..

Narinig ko ang boses na matagal ko nang gustong marinig..

“Clae, sorry sa lahat ahh? pasensya na kung hindi ko masabing mahal kita kasi hindi ko kayang sabihin sa harap mo.. alam kong galit ka sakin. Pero Clae, tanggapin mo lang ako ulit ngayon, sasabihin ko sayo araw-araw na mahal kita.. Clae, I Love you..”

Nagsimula nang mapuno ng luha ang mga mata ko..

Bakit Syd?

Yun lang ang nasabi ko..

Ang pagbibigay lang pala ng recorded stuffed toys ang paraan nya para msabi nyang mahal nya ako..

Kaso huli na..

Wala na si Syd..

:’(

“I Love you too Syd..” ang huli kong nasabi..

THE END..

10 Comments

  1. kvsthymz said,

    June 3, 2009 at 2:40 pm

    ahuhuhu, kasi, e.e, dapat, amf,kakalungkot, ,,

    ganda, gawa ka pa ulit. . .

    more, more, I want more, I will read more,,,

    laging nasa huli ang pagsisisi,

    The Tragic Life Cruelty. . .

  2. Razel said,

    June 5, 2009 at 2:57 am

    nako!!! nakakaiyak naman oh..:((

    • Sellahxhin said,

      June 7, 2009 at 1:57 pm

      haha! razel? ditew ka? :) )

  3. jhunz said,

    June 8, 2009 at 10:25 am

    wow….

    wish ko sana hindi yan ang mangyayari sa amin ng mga friends ko

    (@_@)
    ‘ ^’

    huhu….

    nice story siz!!

  4. Razel said,

    June 9, 2009 at 3:55 am

    haha..oo dito na naman ako..:)) gusto ko kasi mga stories mo eh

  5. ysabella said,

    June 9, 2009 at 2:24 pm

    WAAA! nakaka lungkot.umiyak talaga ako.WAA :( ( huhuhuhu.malungkot na nga ako ngaun eeh.tapos ung story, nakaka lungkot din. :( (

  6. rinma13 said,

    June 12, 2009 at 2:17 am

    :( kaiyak nmn po…
    pero magaganda po lht ng stories mo ate! :)

    • Sellahxhin said,

      June 12, 2009 at 5:40 am

      aww.. tnx dear! pinaiyak ko nanaman mga readers ko! :) )

  7. SHARRYA said,

    February 2, 2011 at 11:32 am

    its really nice! fantastic!!!!!!!!!!!!!!! nakaiyak talaga ako!

  8. caitlyn chloe warner said,

    June 1, 2011 at 8:42 am

    umiyak ulet ako = ((((((((((((((( fkldhks


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.